Elance writing job, available na!
Sabi ng marami, wala daw akong mapapala kung aambisyunin ko
lang ang maging manunulat. Wala raw pera sa pagsusulat, ito ang parati kong
naririnig. Mas maigi pa nga raw kung ako ay magiging guro, accountant, nurse o
doctor. Pero, paano ko naman mapipilit ang aking sarili na kumuha ng kursong
hindi naman ako interesado. So, tumuloy pa rin ako sa gusto kong kurso. Nag-AB
Masscommunication ako.
Sa aking palagay, magaling naman akong artista, kaya nga
nag-theater din ako. Naging bida pa nga ako roon. Iyon nga lang, hindi na ako
nag-audition. Aba ,
ang father ko yata ang dean at director ng play.
Kahit alam ko na may ibubuga naman ako sa pag-arte, iba pa
rin siyempre ang iniisip ng mga guro at estudyanteng may makikitid na pag-iisip. Siyempre ang una
nilang iisipin, ‘hmp, kaya lang naman ‘yan naging bida dahil kay Dean’.
Augh, ang sakit naman nu’n. Kung hindi nga lang ako
ipinanganak na may mabuting puso nungkang papayagan ko ang mga iyon na
magsasalita ng ganoon. Hah, buti na lang, mabilis ang karma.
Anyway, sinabi ko sa sarili ko na kailangan ay magkaroon din
ako ng sariling pangalan. Iyong hindi lang ako makikilala bilang ‘anak ng Dean’.
Kailangan maging tulad din ako ni JK Rowling na biglang sumikat dahil sa Harry
Potter.
Oy, hindi lang ako ambisyosang manunulat, ano. May K din
naman akong magsulat. Sa katunayan nga, sa loob ng sampung taon ay naging bahagi
na ako ng PHR at ngayon nga ay nasa Bulgar na ako, gumagawa ng nobela, horror
at mga articles. Ewan ko nga lang, kung kilala na ako. Gayunman, may mga fans
din naman ako. Kahit mangilan-ngilan lang sila, at least, may humahanga sa
aking pagsusulat.
Habang tumatagal, hindi na ako nakukontento sa kung ano ang mayroon ako, nagiging ambisyosa
ako at nagiging mapangahas. Iyon nga lang kung minsan o sige na, sabihing
kadalasan ay pumapalpak ako, pero, hindi ibig sabihin noon ay susuko na lamang
ako. Dapat din siyempre hindi lang ako dito sa Pilipinas makilala, gusto ko
maging sa ibang bansa din. Salamat naman at mayroong Elance writing job. Sa
pamamagitan nito ay magagawa kong maibahagi sa buong mundo ang aking talento sa
pagsusulat.
I will be the next JK Rowking.
O, huwag kayong kokontra, ha. Wala namang masama ang
mangarap hindi ba. Ang importante, ginagawa natin ang lahat ng paraan upang
maabot natin ang ating pangarap. Ikaw ba, ano ang ginagawa mo.