Martes, Hunyo 4, 2013

Outsourcing site, sagot sa problema ng walang trabaho

Nais kong magkaroon ng maganda at marangyang kinabukasan ngunit tila hindi ko iyon magagawa kung makukontento na lang ako sa sahod ko. Hindi naman ako nagrereklamo kung kakarampot lang ang aking kinikita dahil mababa lang naman talaga ang pasahod sa ating bansa kahit na walang humpay ang pagtaas ng bilihin. Ang ibig ko lang namang sabihin, kung hindi ka pa talaga kontento sa’yong buhay, kailangan mong mag-isip ng paraan kung paano ka kikita.
Nagpasya ako na gawing tagalong ang blog na ito dahil nais kong mas maibulalas ko ang aking iniisip at nararamdaman. Tiyak ko rin na mas gugustuhin ng aking mga kababayan na mas maintindihan ang magandang balita na ibig kong ihatid.
Sabi nga, hindi mo makukuha ang gusto mo kung lagi ka lang mangangarap at magpaplano. Kailangan mong kumilos para makahagilap ng paraan para ikaw ay kumita ng malaki.
Sa aking palagay  ang pagpasok sa Outsourcing site o Outsourcing sites ang pinakamabisang paraan para ikaw ay magkaroon ng malaking income. Kadalasan pa ay dolyar ang kita mo rito kaya naman maeengganyo ka talagang tingnan ang company profile nila.
Paalala nga lamang, hindi lahat ng outsourcing company na magsasabi na kikita ka ng libu-libong dolyar rito ay agad mong paniniwalaan. May ilan din kasi sa kanilang masasabi kong nangongolekta lamang pera.  May magsasabi kasi na kung nais nilang kumita ng $1,000 sa isang linggo, kailangan nilang  magbayad pa. Kuu, huwag kang maniwala sa ganu’n at niloloko ka lang nila. 
Ang tunay na mapagkakatiwalaang outsourcing company ay hindi dapat na nangungulekta ng pera gayung hindi ka pa naman nakapagre-register sa kanila. Mas maigi kasi kung mapapatunayan muna nila na kaya mong makakuha ng magandang trabaho.  
Kaya, huwag kang basta magtitiwala muna, okay? Pag-aralan mo muna ang kanilang company proposal at doon mo lang mapagtatanto kung okay ba  ang napili mong outsourcing site. O, nais mo bang magkaroon ng ideya kung paano kumita?

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento